sa saliw ng tikatik ng ulan sa atip, ugong ng malakas na hangin,
paghampas ng kamay ng mga puno sa paligid,
huni ng mga ibon na nakikipagpatintero sa luha ng langit
pinagmamasdan ko ang mukha na madalang kong makita
sa pagmulat ng aking mga mata
mula sa pagkakaidlip
ang aking minahal
ang aking minamahal
at patuloy na mamahalin.