saliw ng ugong ng hangin
tayo ay umindak na parang
dalawang kutsarang magkalapat
dama ang sarap at init
ng pagkaing buong
takaw nating nilasap
hanggang sa di natin
namalayan
na tayo ay naidlip
na magkayakap
bakas sa mga labi
ang ngiti
na dulot ng ating
muling
pagsasanib.