Gamu-gamong Haliparot

nahalina sa alindog
ng bumbilyang bilog

umali-aligid
sa bututoy na mainit

hindi alintana
ang nag-aabang na panganib

nang pabulusok na sugurin
ang palangganang malalim.