Friday, July 07, 2017

Impromptu Dahil Traffic


Namangha.
Humanga.
Nangarap makaguhit ng obra.
Mapabilang sa nakasabit.

Ano'ng ginagawa ko dito?

Katulad ng isang kwadro.
Alanganin kung tama ba na maisingit.
Kumakawala.
O nagpupumilit?
Napapansin di dahil sa guhit,
kundi sa mensahe
ito ba ang lugar ko?

Ikaw na nakaupo
Nagpapahinga?
Nagpapahangin?

O nangangarap din?

Photo credit: Geralyn Pili #sxpphAntipolo


No comments:

Post a Comment

Food IG @foodiecheatday