Sunday, December 10, 2017

So You Want To Be A Freelancer?


I often receive private messages on Facebook from some people in my network. They want to be a freelancer like me. Sino ba naman ang di maeengganyo kung madalas makita sa timeline ko eh kumakain ako sa kung saan saan na restaurant, nakikipag selfie sa artista, nagpo-post na status na "working in my pajamas" at kung anu-ano pa na nakakainggit lalo na kapag Lunes tulad ng "woke up at 10am" di ba? 

Ano ba latest freelance work-related status ko? 


Ni-post ko yan pagdating sa bahay kanina from my 4-day vacation. Yung mga bwisit na bwisit sa trabaho nila, I'm sure magme-message na naman. Remember this sutil post of mine last December 4, Monday?


Kse naman paulit-ulit yung mga status nyo eh. Baka sakali lang gusto nyo na baguhin ang takbo ng career nyo sa 2018. I've been in that situation eh.

I received the 7 Stages of…Good Grief! Freelancer na Ko?! book from my cousin Bleps kasama ng isang #petmalu na planner (another blog entry about the planner) just this morning during buffet breakfast sa Batis Aramin Resort sa Lucban, Quezon. Bakasyon grande kase kami. Onga pala, freelancer din si Bleps. Pamilya kase kami ng raketera eh. Prologue pa lang nababasa ko napabangon na agad ako at nagsulat ng blog entry. If you really know me, susme di mo ako mapapabangon after ko umuwi from vacation. Tulog galore ako for 2-3 days. Ibig sabihin, di ako makaintay para i-share sa inyo ang libro na ito.

Syempre, di ko naman isusulat dito yung laman ng book. Di ganun na share ibig ko sabihin. Ishe-share ko yung link san ka pwede bumili lalo na kung mahilig ka mag shop online kagaya ko.


Panigurado available din yan sa National Bookstore.

Kung di ka pa maka-decide kung gusto mo bumili, pagnilayan mo ito.

Has the idea of going freelance ever crossed your mind? 
Has the concept of freedom and flexibility ever tempted you?
Have you ever asked yourself, 
"Kaya ko kaya 'yun?"

Bili ka na ng 7 Stages of…Good Grief! Freelancer na Ko?! ni RacketChick. P150 lang. Ako nga na 3 years freelancer na, naniniwala na may mapupulot pa din akong kaalaman sa libro na ito eh.

BTW, di ko kilala si RacketChick. 


Food IG @foodiecheatday