Para sa isang katulad ko na freelancer, totoo naman na napakahirap mag-ipon. May mga panahon na gipit at di ko magalaw ang nakatago ko sa bangko dahil may charge pag nag-below maintaining balance. Karamihan pa naman sa mga banks ngayon ay nagre-require ng at least P5,000 ADB.
Tulad ko, maraming Filipino ang nahihirapan din na mag-ipon ng pera.
Alam mo ba na 48% lamang ng mga Filipino ang nagse-save? At 7 sa bawat 10 ay tinatago ang kanilang pera sa bahay.
Mga rason bakit walang ipon sa bangko ang mga Filipino
- mataas na initial deposit
- mataas na maintaining balance
- kailangan mag sumite ng maraming requirements
- may bayad kapag nag-withdraw
- may penalty kapag nag-below maintaining balance
- may penalty kapag naging dormant
- malayo ang branch ng bangko sa tirahan
Ang bagong produkto ng Cebuana Lhuillier ang kasagutan upang mahikayat ang mga Filipino na mag-ipon ng pera.
Cebuana Lhuillier Micro Savings
Makakapagbukas ka ng Cebuana Lhuillier Micro Savings account sa halagang P50 lamang. Sa halip na itago mo lang sa bahay ang iyong ipon, kikita ang interest ang pera mo kapag idineposito mo ito sa Cebuana Lhuillier.
Ang minimum cash deposit na tinatanggap ng Cebuana Lhuillier ay P50 at ang maximum naman ay P50,000. Maari ka magwithdraw ng P100 minimum at P5,000 maximum. Walang sisingilin na transaction fee sa cash deposit at withdrawal at maaari mo itong gawin sa kahit saan branch ng Cebuana Lhuillier.
Huwag ka rin mangamba sa seguridad ng iyong ipon dahil ito ay insured ng PDIC.
Nais mo bang magkaroon ng Cebuana Lhuillier Micro Savings account?
Magtungo lamang sa kahit alin sa 2,500 branches ng Cebuana Lhuillier. Para sa mga may 24K card na, ito rin ang magsisilbing card mo para sa Micro Savings. Kapag wala ka pang 24K card, kailangan mo kumuha nito sa halagang P100.
Sundan ang www.facebook.com/CebuanaLhuillierPawnshop para sa karagdagang kaalaman.
14 Comments
Mukang maganda yan momshie�� asawa ko nga sa bahay lang nagiipon�� makapaginquire nga sa cebuana��
ReplyDeletemas safe yung pera mo and di ka mate-tempt na bawasan. yung mga 50 pesos na inipon ko ioopen ko na nga din ng account dyan.
DeleteWow ang ganda nito momshie... sabihin ko to sa asawa ko. Ang galing ng cebuana. At naisipan ito.
ReplyDeletefeeling ko mas madami ako maiipon dito kesa dun sa nasa bank ko kse pwede ako maghulog kahit maliit na amount lang eh. although 50k lang ang maximum na pwede maipon sa micro savings, pero malaking bagay na yun na marealize mo may 50k ka pala na nakatago.
Deletepwedi ba mo gumamit ito 17 yrs old po ako
ReplyDeleteyes ma’am. as young as 7 yrs old po pwede na ipag-open ng micro savings. pwede ang kanyang school ID.
DeleteHi po ahh gusto ko din po mg ipon dhil my pinag llaanan ako ehh tanong k lng po sna kng mg open ako ng account at mag sving ako pag gusto ko ba mkuha lhat ng naipon ko pwdi ba
ReplyDeletepwede mo po makuha ng buo ang pera kung gusto mo na i-withdraw. maari din mag withdraw ng P100 lang.
DeletePwde na ba Ang tin id
ReplyDeletePwde na ba Ang tin id
ReplyDeleteyung new TIN card ang pwede yung may picture.
Deletepaano po yan maam tanung lang po ako ah kc po may card npoh ako sa cebuana ano un arw arw 60pisoso un lng po tanung ko salamat po
ReplyDeletehindi mo naman po kailangan araw araw maghulog po. basta ang minimum ay 50 pesos. kung kelan ka may pera panghulog pwede at kahit saan branch po basta dala mo yung card.
Deletekailangan ba daily magdeposit ng 50 pesos
ReplyDelete