Kabayan, ikaw ang bida! BDO at Department of Migrant Workers pagtitibayin pa ang mga programa


Ikaw ba ay isang overseas worker? O may mahal sa buhay na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang maiangat ang buhay ng pamilya? Kung oo ang sagot mo, marahil ay alam mo kung gaano kalaki ang sakripisyo at lungkot na mawalay sa pamilya.

Alam ng BDO ang iyong pinagdadaanan. Kaya naman upang maibsan ang lungkot at matulungan ka na makamit ang iyong mga adhikain sa pangingibang bayan, nakipag-ugnayan ang BDO sa Department of Migrant Workers (DMW). Ito ang departamento na sumasakop sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). 


Madalas ko lamang natatanaw ang building ng POEA kapag nakasakay ako sa MRT. Sa unang pagkakataon ko na makapasok dito nung June, hindi ko inaasahan na napakarami palang kababayan natin ang dumadayo dito upang mag-asikaso ng kanilang mga papeles upang makaalis ng bansa. Maraming excited. May mga kabado. May malungkot. Pero lahat sila ay puno ng pag-asa.

Ayon kay BDO senior vice president at Remittance head Genie T. Gloria, malaki ang pasasalamat nila sa Department of Migrant Workers dahil nagsisilbing daan ito para maibahagi ng BDO ang mga programa nito para sa mga overseas Filipinos.

"We are looking forward to a more fruitful partnership with the Department of Migrant Workers para marami pa tayong matulungan na mga kabayan natin abroad sa maaasahang perang padala, makapag-ipon at paghandaan ang kanilang kinabukasan," ani Gloria.


Sa pamamagitan ng mga pre-departure orientation seminars (PDOS) na regular na isinasagawa ng BDO kasama ang Department of Migrant Workers para sa mga paalis na overseas Filipinos at iba pang mga financial wellness seminar, aktibong pino-promote ng bangko ang kahalagahan ng pag-iipon, pag-iinvest, at ang pagkuha ng good loan para magpatakbo ng sariling negosyo.


Dagdag pa ni Gloria na mahalaga na magkaroon ng BDO Kabayan Savings ang mga overseas Filipinos at beneficiaries nila upang ligtas at mabilis ang perang padala; para makapag-ipon sila dahil diretso sa Kabayan Savings ang pinapadalang remittance; at para magkaroon sila ng bank record na kalaunan ay kailangan para makapag-loan para sa sariling negosyo.

"Para sa mga overseas Filipino beneficiaries na nakatira sa probinsya na malayo sa bangko o ATMs, may mahigit 10,000 Cash Agad partner-agents ang BDO sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas kung sa’n puwedeng gamitin ang kanilang BDO Kabayan ATM card or any Philippine-issued ATM card para mag-withdraw ng kanilang remittance. Hanapin lang ang Cash Agad logo sa pinakamalapit na tindahan, grocery store, hardware, water refilling stations, atbp. Kahit sa mga islang malalayo, may Cash Agad," ayon kay Gloria.

Maliban sa Cash Agad, mas lumawak pa ang ATM ng network ng BDO dahil kabilang na dito ang ATMs na nasa loob ng mahigit 1,800 7-Eleven stores sa NCR, Cavite, Laguna, Batangas at Cebu, kung sa’n free of charge ang pag-withdraw gamit ang BDO Kabayan at BDO ATM cards. ​

Kamakailan ay binigyan ng Department of Migrant Workers ng plaque of appreciation ang BDO sa pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day, dahil sa mga naging kontribusyon nito sa welfare ng overseas Filipinos lalo na nitong pandemya. Kabilang sa efforts ng BDO, through its remittance service brand BDO Remit, ay ang pagbigay ng internet connectivity sa classrooms ng ahensya para maipagpatuloy ang kanilang PDOS online para sa mga Pinoy na paalis ng bansa na inabutan ng pandemya.
...