Bakit Wala Kang Ipon sa Bangko?

Cebuana Lhuillier Micro Savings

Para sa isang katulad ko na freelancer, totoo naman na napakahirap mag-ipon. May mga panahon na gipit at di ko magalaw ang nakatago ko sa bangko dahil may charge pag nag-below maintaining balance. Karamihan pa naman sa mga banks ngayon ay nagre-require ng at least P5,000 ADB.

Tulad ko, maraming Filipino ang nahihirapan din na mag-ipon ng pera. 

Alam mo ba na 48% lamang ng mga Filipino ang nagse-save? At 7 sa bawat 10 ay tinatago ang kanilang pera sa bahay.

Mga rason bakit walang ipon sa bangko ang mga Filipino

  • mataas na initial deposit
  • mataas na maintaining balance
  • kailangan mag sumite ng maraming requirements
  • may bayad kapag nag-withdraw
  • may penalty kapag nag-below maintaining balance
  • may penalty kapag naging dormant
  • malayo ang branch ng bangko sa tirahan
Ang bagong produkto ng Cebuana Lhuillier ang kasagutan upang mahikayat ang mga Filipino na mag-ipon ng pera. 

Cebuana Lhuillier Micro Savings


Makakapagbukas ka ng Cebuana Lhuillier Micro Savings account sa halagang P50 lamang. Sa halip na itago mo lang sa bahay ang iyong ipon, kikita ang interest ang pera mo kapag idineposito mo ito sa Cebuana Lhuillier.

Cebuana Lhuillier Micro Savings

Ang minimum cash deposit na tinatanggap ng Cebuana Lhuillier ay P50 at ang maximum naman ay P50,000. Maari ka magwithdraw ng P100 minimum at P5,000 maximum. Walang sisingilin na transaction fee sa cash deposit at withdrawal at maaari mo itong gawin sa kahit saan branch ng Cebuana Lhuillier. 

Huwag ka rin mangamba sa seguridad ng iyong ipon dahil ito ay insured ng PDIC.

Nais mo bang magkaroon ng Cebuana Lhuillier Micro Savings account?

Magtungo lamang sa kahit alin sa 2,500 branches ng Cebuana Lhuillier. Para sa mga may 24K card na, ito rin ang magsisilbing card mo para sa Micro Savings. Kapag wala ka pang 24K card, kailangan mo kumuha nito sa halagang P100. 

Sundan ang  www.facebook.com/CebuanaLhuillierPawnshop para sa karagdagang kaalaman. 

...