Mga Dapat Malaman Tungkol sa Cebuana Lhuillier Micro Savings

Tuesday, March 19

Cebuana Lhuillier Micro Savings

Magmula ng ibalita ko sa blog ang bagong produkto ng Cebuana Lhuillier na Micro Savings, nakakatuwa na napakarami ang interesado na mag-ipon. Marami din akong natatanggap na tanong tungkol dito kaya minabuti ko na sumulat ulit ng article na mas masagot ko ang mga pinapadala nyo na messages sa MsRoselleWrites.


Sino ang pwedeng mag-open ng Cebuana Lhuillier Micro Savings account?

Lahat ng Filipino citizens na at least 7 years old.

Paano ba mag-open ng Cebuana Lhuillier Micro Savings account?

Pumunta sa kahit anong branch ng Cebuana Lhuillier. Siguraduhin na may dala ka na isang valid ID at 50 Pesos para sa initial deposit. Kung wala ka pang 24K Plus Card, kailangan mong kumuha nito sa halagang 100 Pesos. Ang 24K Plus Card kase ang gagamitin mo para ma-access ang account mo, mag-deposit at mag-withdraw.

Mag fill-out ng CUSTOMER INFORMATION FILE SHEET (CIFS) at CLIENT INFORMATION SHEET (para sa wala pang record sa Cebuana Lhuillier).

I-submit sa branch personnel ang properly filled-out form, copy ng valid ID at 50 Pesos initial deposit. Hindi mo na kailangan magdala ng picture dahil sa branch na nila ica-capture ang iyong picture.

Ano ang mga tinatanggap na ID?


  • Passport
  • Driver’s License
  • Professional Regulation Commission (PRC) ID
  • National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
  • Police Clearance
  • Postal ID
  • Voter’s ID
  • Barangay Certification
  • Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
  • Social Security System (SSS) ID
  • Senior Citizen’s ID
  • Philhealth
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • OFW ID
  • Seaman’s Book
  • Alien Certification of Registration (ACR)
  • Barangay cert. of ID (with picture and signature)
  • Birth certificate (applicable to minors only)
  • Firearm license
  • Immigrant Certificate of Registration
  • Marriage License
  • National Council for the Welfare of Disabled Persons
  • New TIN ID
  • OWWA ID
  • Student ID
  • Government Office or Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) ID (e.g. AFP ID, HDMF (Pag-ibig Fund) ID, etc.
  • Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons (NCWDP)
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
  • Integrated Bar of the Philippines ID (IBP)
  • Company IDs issued by private entities or institutions registered with or supervised or regulated either by the BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas), SEC (Securities and Exchange Commission) or IC (Insurance Commission)

Paano ko malalaman kung na-open na ang account ko?

Makakatanggap ka ng SMS (text) message na nakalagay ang account number, balance ng account, at PIN CODE.


Cebuana Lhuillier Micro Savings


Para sa first-timer na katulad ko, ia-assist ka ng branch personnel at tuturuan kung paano gamitin ang Cebuana Lhuillier PIN pad.

Kailangan mo mag-change PIN at siguraduhin na hindi mo ito malilimutan para hindi magka-problema sa pag-access ng iyong account.

Congratulations!!! Meron ka nang Cebuana Lhuillier Micro Savings Account! #IponNaKaCebuana


Narito ang ilan pa sa mga tanong na natanggap ko sa aking FB Page:

Paano kung wala pa akong pera na pangdagdag sa na-deposit ko na?

Unlike sa bank na may penalty kapag nag below maintaining balance at kapag naging dormant dahil di nahuhulugan, ang Cebuana Lhuillier Micro Savings ay WALANG maintaining balance at WALANG dormancy.

Safe ba ang pera ko?

Ang Cebuana Lhuillier Micro Savings ay insured sa PDIC katulad ng account sa bank.

Maari ba ako mag-deposit o mag-withdraw sa ibang branch?


Maari kang mag-deposit at mag-withdraw sa kahit saang Cebuana Lhuillier branch nationwide. ang minimum na pwedeng ideposito ay 50 Pesos at ang maximum at 50,000 Pesos. Para naman sa withdrawal, ang minimum na halaga na pwedeng i-withdraw ay 100 Pesos at ang maximum na halaga ay 5,000 Pesos.

Maari kang mag-withdraw up to 3x a day.

Kikita ba ang pera ko dyan?

Ang iyong pera ay kikita ng 0.30% interest kada taon (subject to 20% withholding tax). Kailangan na may minimum balance na 500 Pesos para kumita ng interest.

UPDATE: Mas pinalawak na Pera Padala ng Cebuana Lhuillier




May tanong ka ba na hindi ko pa nasagot? Mag-comment sa ibaba or mag-send ng message sa  https://www.facebook.com/CebuanaLhuillierPawnshop

Para sa karagdagan na kaalaman, basahin ang Bakit Wala Kang Ipon? 


...