Karla - Isang Probinsyanang Saleslady na Nag-o-online Selling sa Gabi para Magkabahay



Bilang isang on-line seller, ano ang gusto mong i-“mine”? 

“S’yempre, sariling bahay!” sabik na sagot ni Karla, 30, tubong Samar. “Kaya nga dahil sa pangarap kong magkaroon ng sariling bahay, bukod sa pagiging sales lady sa umaga, suma-sideline rin ako na on-line seller sa gabi,” kuwento ni Karla.

Sabi ni Karla, lumuwas siya ng Maynila dahil laging winawasak ng mga bagyo ang kanilang bahay sa probinsya. Yari lang kasi iyon sa kahoy at pawid. Sa Maynila, umaasa siyang makapag-ipon at makapagpundar para sa sariling bahay na matibay. “Nakakasawa na rin yung paulit-ulit na pagkukumpuni. Binabagyo pa rin naman kami lagi! Gusto kong maranasang magkaroon ng sariling bahay na gawa sa semento. Aayusan ko ‘yun base sa gusto ko. ‘Pag nagkataon, di lang ako, pero ang buong pamilya ko ang makararanas na talaga ng beautiful life,” natutuwang dagdag ni Karla.

Tiwala si Karla na makikita niya ang dream house niya sa BellaVita. Gaya ni Karla, talagang Sakto Sa Gusto Mo ang BellaVita communities. Hindi na siya matatakot sa bagyo dahil de-kalidad ang pagkakagawa ng mga bahay sa bawat project ng BellaVita. Bukod pa rito, ang BellaVita communities ay accessible, safe at secure, may amenities, at napaka-affordable pa! Swak sa budget niya bilang saleslady at online seller ang buwanang hulog!


Kung ikaw ay tulad ni Karla na naghahanap ng dream house mo, tunay na Sakto Sa ‘yo ang BellaVita! 

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin ang BellaVita social media channels o tumawag sa 0917 853 5937 o 0917 826 9451.


0 Comments

Thanks for sharing your thoughts :)