Cebuana Lhuillier Micro Savings may new features na!

 

Kamusta na mga ka-Iponaryo? 

Noong ni-launch ang Cebuana Lhuillier Micro Savings last 2019, isa ako sa nakumbinsi na magsimulang mag-ipon ulit. Napakadali naman kse. Isang ID lang ang kailangan plus 50 Pesos na initial deposit, magkakaroon ka na ng savings account.  Nakakatuwa din na napakadaming Filipino ang naging interesado  kaya sinulat ko ang article na "Mga Dapat Malaman Tungkol sa Cebuana Lhuillier Micro Savings". Tunay na tayong mga Filipino ay gustong-gusto talaga makaipon at naghahanap lamang ng madali at convenient na paraan. Malapit na nga umabot ng 5 million na Filipinos ang may Cebuana Lhuillier Micro Savings account. Kung hindi ka pa isang "Iponaryo" katulad namin, napakadali lang naman.

Ano ang kailangan para mag-open ng Cebuana Lhuillier Micro Savings?

Kung ikaw ay isang Filipino, 7 years old pataas, may isang VALID ID, at may 50 Pesos maari ka na mag-open ng account sa kahit saan sa 2,500 branches ng Cebuana Lhuillier nationwide. 

Para sa listahan ng VALID ID, click HERE.

At dahil mas safe kung mananatili tayo sa bahay, maari ka din mag-open ng account gamit ang eCebuana App!

You can download the app here:



Ano ang bagong features?

Dati-rati, kailangan mo pa pumunta sa kahit anong branch ng Cebuana Lhuillier para mag-withdraw. Pero ngayon, maari mo na gamitin ang NEW Cebuana Lhuillier 24K card ng Micro Savings Account mo upang maka-withdraw sa 21,000 ATMs ng BANCNET at 114 member banks nito. 




May tie-up na din sa UnionPay para pwede mo na gamitin ang iyong 24K card to make debit payments sa 350,000 POS terminals kapag nag shopping pa sa partner merchants nationwide. ‘Iponaryos’ can now get the benefit of an enhanced payment security with UnionPay chip cards’ quick payment process with just a tap, using UnionPay Contactless technology. Safe na safe at di mo na kailangan magdala pa ng pera.

Kapag nagdownload ka ng eCebuana app, maaari ka na mag money transfers via Instapay, magbayad ng bills and utility, mag e-load, at bumili ng insurance. 

May naka-sangla ka ba? Magiging available soon ang pag renew ng pawning ticket mo using the app and maging pagbili ng jewelry.

Lastly, may QR Technology na ang eCebuana app. This feature allow you to make money transfers and retail payments seamless and secure. Money transfers and retail payments via QR code will be available by March 2021.

Kailangan ko pa ba kumuha ng bagong 24K na card?

Para sa mga exisiting Cebuana Lhuillier Micro Savings account holders, kailangan mo magpa-upgrade para magamit mo ang mga bagong features. 75 Pesos ang babayaran para mag avail ng 24K card na magagamit mo na pang-withdraw sa mga BANCNET ATMs at bilang debit card.

For more information and updates, make sure na naka-follow ka sa  official fb page ng Cebuana Lhuillier 



...