Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, Dapat Bang Panoorin?


Bihira ako manood ng movies lalo na ng Tagalog movies. Aminin natin, karamihan naman kase ang babaw ng mga istorya. Madalas nga, sa trailer pa lang alam mo na kung ano magiging ending eh. When I was invited to watch the special screening ng Ang Babaeng Allergic sa Wifi, di ako nag-set ng mataas na expectation. Iniisip ko, wala itong pinag-iba sa mga rom-com na Tagalog na napanood ko. Entertaining lang siguro. Matatawa ako ng konti. Ganun.

Pero nagkamali ako. 

Wagi ang first venture ng Cignal Entertainment sa full-length film. Mahuhusay ang mga artista at ang director. Di ko kilala si Sue Ramirez at si Jameson Blake kaya sobra ako napahanga sa pinakita nilang acting. Ang natural eh. 

Bakit dapat panoorin?

Kahit na millennials ang gumanap, makaka-relate ang lahat sa story. Kase, lahat naman tayo nakaranas umibig di ba? Lahat din tayo at some point in the relationship nakaranas ng pagsubok. 

Naipakita din sa movie ang kahalagahan ng mga values na na-instill ng mga magulang sa kanilang mga anak at ang role ng pamilya sa buhay ng mga lead characters.

Ang convincing ng acting nila na naantig talaga ang emosyon ko. Di ko napigilan mapaluha.

Promise, sulit ang ibabayad mo. At sana paglabas mo ng sinehan, magkaroon ka ng realization about love, relationship, friendship and family.


Ang Babaeng Allergic sa Wifi is an official entry to the Pista ng Pelikulang Pilipino 2018. Showing na sa August 15, 2018. 


No comments

Powered by Blogger.