Sapatos Marikina... Paano ka nga ba Ginagawa?


May pagawaan dati ng sapatos na pangbata ang aking lolo at lola sa silong ng kanilang bahay sa Burgos sa Marikina. Naikwento ng aking mga magulang na halos lahat ng kulay at disenyo ay meron ako dahil every week ay pinapadalhan nila ako ng ilang pares ng bagong sapatos. Nung medyo malaki na ako, nakikiusyoso ako sa mga gamit sa pag-gawa ng sapatos pero hindi ko talaga naiintindihan ang proseso. Hanggang ngayon nga ay nakatago pa din ang natira na dalawang makina na nakaligtas noong Ondoy.

Kilala ang Marikina bilang Shoe Capital ng Pilipinas. Noong dekada 90, hindi mapagkakaila na naramdaman ng mga sapatero ng Marikina ang paghina ng demand sa de-kalidad na sapatos mula sa mga local shoe manufacturers. Ang pagdating ng mga mumurahin na imported na sapatos na bagaman ay hindi makakatapat sa tibay ng gawang Marikina ay isa sa mga rason sa unti-unting pagkawala ng kabuhayan lalo na ng small-scale shoemakers.

Tatlong sunod-sunod na taon na ako na pumupunta sa Marikina Sapatos Festival. Isa sa mga sapatos ko ay mula sa Checkpoint Shoes. Nitong nakaraan na festival, naimbitahan ako ni Neil Nepomuceno sa kanilang showroom at factory sa San Roque.


Si Neil ay anak ng mga sapatero na sina Cecilio at Felicitas Nepomuceno. Ang kanyang mga magulang ay pereho lamang namamasukan noon. Dahil sa pagsusumikap at sipag, nakapagpatayo sila ng sarili nilang pagawaan ng sapatos noong 70s, ang Felicel Shoe Manufacturing na formerly known as Barry Shoes na kilala bilang manufacturer ng world class quality shoes.  Ang kanilang pagawaan ng sapatos ang nagbigay sa kanilang pamilya ng maginhawang buhay. Si Neil ang naatasan na magpatuloy ng negosyo ng sumakabilang buhay na ang kanilang mga magulang. Noong 2009, nagsmula ang Ferrina brand for ladies at Checkpoint for men.


Nagpaunlak si Andrea Santiago-Nepomuceno, maybahay ni Neil, na makita ko ang factory ng Checkpoint Shoes at malaman ang proseso ng pagbuo ng sapatos na gawa sa Marikina. Sa kasaluyuhan ay mayroon silang 15 sapatero. Nung kasagsagan ng negosyo ng sapatos sa Marikina ay umabot ng higit 130 ang kanilang manggagawa.

Sapatos Marikina, paano ka nga ba ginagawa?

Ilang beses na din ako nagplano na umattend ng shoemaking workshop. Gusto ko na maintindihan at maranasan kung paano ginagawa ang sapatos sa Marikina. Narito ang tradisyonal na proseso ng paggawa ng de-kalidad na sapatos:


Paggawa ng disenyo at padron

Madalas na ang isang brand ng sapatos ay nakikilala dahil sa disenyo na namumukod tangi. Isang halimbawa nito ay ang iconic red soles ng Louboutin stiletto. Sa Marikina, may mga brands na kilala sa paggawa ng school shoes, casual wear shoes, ladies shoes, at iba pa. Ang disenyo ay inaayon sa uri ng sapatos na likas na ginagawa ng brand or kung ano ang nauuso. Pagkatapos ng disenyo ay ginagawaan ito ng padron o pattern. 

Nabibilang na lamang ang mga pattern makers na pinahusay ng maraming taon ng karanansan sa paggawa ng padron. Ang kakulangan ng mga experienced pattern makers ang isa sa mga challenges ng small scale shoemakers sa Marikina. 


Cutting 

Ang sunod na hakbang ay ang pagputol ng leather for upper making or areglo. Ito ay traditionally tinatawag na clicking dahil sa clicking sound ng cutting tool mula sa hulma. Sa ngayon ay mas ginagamit na ang cutter blade sa halip na clicker blade. 


Areglo o Upper Making

Ang pag-aareglo ay paghahanda ng cut leather para sa stitching. Sa prosesong ito pumapasok ang skiving. Ito ay ang pagbawas sa edge ng leather upang bawasan ang kapal kapag pinagdugtong na ang ibang parts ng sapatos. Dito na din nilalagay ang iba pang elemento ng design ng sapatos. Binubuo ang cut leather gamit ang pandikit upang pansamantalang mapagdutong ang mga edges upang hindi na mahirapan ang magtatahi.


Sewing

Sa pagtatahi ay pinagkakabit na ang upper at ang lining. Dito din pumapasok ang "reinforcing" kung saan nagiging matibay ang pansamantalang pinagdikit na parte sa proseso ng pag-aareglo. Napakahalaga na pulido ang pagkakatahi dahil isa din ito sa visible agad lalo na kung parte ng disenyo ang tahi.


Paglalapat o Lasting

Ang paglalapat o lasting ay proseso kung saan hinahatak ang binuo na upper leather at ikinakabit gamit ang shoe tacks. Dito na din nabubuo ang porma ng sapatos. Kailangan na manatili sa hulma ng 1-2 days habang pinapainitan upang mapanatili nito ang hulma at korte. Dati-rati ay hinahayaan itong nakabilad sa init ng ngayon. Ngayon ay ginagamitan na ng mas makabagong teknolohiya ang pag "bake" lalo na ng malalaking shoe manufacturers.


Soling

Ang soling ay ang pagkakabit ng swelas ng sapatos at technically ay last step. Ang swelas ay either yari sa rubber or leather. Naalala ko na may sapatos ako nung elementary na ang swelas ay galing sa tire interior ng gulong ng eroplano. Ang leather soles ay madalas na ginagamit para sa custom-made shoes.


Finishing

Ang finishing ang huling proseso bago ilagay ang sapatos sa kahon. Dito nililinis ang sapatos kung may mga pandikit na dapat linisin, at may mga minor marks and scratches na dapat ayusin. Ang sapatos ay lilinisin, iwa-wax at ipa-polish.



Isa ito sa mga pares ng sapatos na gawang Marikina na paborito kong isuot. Malayo na ang narating nyan at nailakad. Maraming beses na din na naulanan. Pero ang pinakagusto ko sa kanya ay hindi sumasakit ang paa ko kahit maghapon ko suot lalo na kung marami akong events.

Sinasabi nila na ramdam talaga ang paghina ng benta ng mga sapatos na gawa sa Marikina. Ano nga ba ang epektibo na paraan para ma-promote ito?

Naniniwala ako na ang pagbangon ng industriya ng sapatos sa Marikina ay magsisimula sa pagtangkilik muna nito ng mismong mga Marikenyo. Kung maipapakita natin sa ibang tao na naniniwala tayo sa tibay at ganda ng produkto mula sa ating bayan at ito ay ating ginagamit, hindi ba't tayong mga Marikenyo mismo ang pinakaepektibong endorser nito?


Ang showroom ng Checkpoint Shoes ay matatagpuan sa 325 M.A. Roxas Street, San Roque Marikina City. Matatagpuan din ang kanilang stores sa  Marikina Trade Fair in Marikina Sports Park, Marikina Shoe Gallery Riverbanks Mall, Shoe Center Greenhills, iMall Antipolo, at Davao Pasalubong Center.


Kung hindi ka makakapunta sa Marikina, maari ka din bumili online sa Shopee.



Checkpoint Shoes Patrol 

  • genuine cow leather
  • rubber outsole



Checkpoint Shoes Enforcer 
  • genuine cow leather
  • rubber outsole


Checkpoint Shoes Elite
  • genuine patent
  • rubber outsole

...