Di naman talaga ako die-hard fan ni Alden Richards at ni Maine Mendoza. Tuwing sabado lang ako nakatutok sa Eat Bulaga. Yung ibang episodes sa YouTube ko napapanood. Aminado din ako na aliw na aliw kay Paolo Ballesteros at Wally Bayola. Mababaw ako. Madaling mapatawa. Pero di naman ako puro kababawan lang.
Nakababad ako talaga sa twitter umaga pa lang. Excited at kinakabahan sa kung ano ang mabe-break na record ng #AlDubEBforLOVE. Pero di lang naman kse yan record for the sake of bragging eh. Alam mo yung feeling na nagkakaisa ang mga viewers ng mga panahon na yun. Nagkaka-interact pa nga kahit di magkakakilala. Nakaka-relate sa tawa at kilig na nararamdaman habang nanonood. Masarap yung pakiramdam na yun eh. Yung may nakaka-relate sa trip mo.
Sabi nila ang jologs daw. Eh ano naman, di ba? Mas pipiliin kong maging jologs or baduy pero masaya. Kesa naman sosyal (or feeling sosyal) pero ang lungkot ng buhay. Natutuwa nga ako kay Daphne at Cecile van Straten. Lalo na si CVS aka chuvaness. Ang kukulit ng tweets nya.
Pero sana kung ang gustong panoorin ng iba eh si Pastillas, wag nyo naman awayin. Dun sila masaya eh. Kanya-kanya tayong trip. I-enjoy na lang natin ang trip natin, di ba?
Sa totoo lang, excited na ako kung anong gimik ng #KalyeSerye sa sabado.