Minsan, sa tagal na ng pagsasama sa kahit anong klaseng relationship dumadating yung pagkakataon na nagkakatamaran na. Para kasing ang monotonous na. Yung mga bagay na naeenjoy nyong gawin together, nakakairita na. Ang ipokrita ko kung sabihin ko na kahit minsan di namin naranasan yan.
Naging mag-boyfriend kami ng asawa ko nung 15 years old pa lang kami. So ngayon, 25 years na kami together. May mga araw dati na wala na kami halos mapag-usapan. We would spend hours together na may kanya-kanyang pinaglilibangan. Eto yung mga panahon na parang madaling sabihin na "ayawan na!"
Yung parents ko, 10 years sila mag boyfriend/girlfriend bago sila nagpakasal. Parang kwento din namin mag-asawa. Sila nga yung naging inspirasyon ko. Sila kase yung magandang halimbawa ng "commitment" at "forever". Alam ko may mga ups and downs din ang relationship nila. Pero they always find a way to make the relationship work.
My mom was diagnosed with breast cancer in 2002. Nawindang ako. Feeling ko kase, yung mga nanay di pwedeng magkasakit. Financially and emotionally challenging yung mga panahon na yun. Buti na lang my parents have always been financially prepared for their health and retirement. Nalampasan ang pagsubok na yan pero after 8 years, bumalik ang cancer. This time, natalo si mommy sa laban.
April 2016, my dad was hospitalized. It was supposed to be a simple operation kaso nagkaroon ng complications. Our hospital bill was P379,000 for his 14 days confinement. Nakakabaliw di ba? Buti na lang ang daddy ko, may health insurance. Paano na kung wala? We brought him home and his rehabilitation continued at home for two months. Akala namin okay na ang lahat. Seven months later, balik hospital na naman. Six days lang na-confine si daddy. P125,000. Sumunod na eksena, I was "shopping" for a casket. Again, dahil sa life insurance naman ni daddy, di man nabawasan ang sakit sa dibdib dala ng kanyang pagkamatay, hanggang sa huling sandali he made sure na it's not financially burdensome for us na naiwan.
Nung napanood ko ang Sayaw ng Sun Life Sun Shorts, naantig ang puso ko eh. It was like watching the story of my parents lalo na nung time na nagkasakit si mommy. Yung 8 more years na binigay ni God para makasama pa namin sya, sulit na sulit. The family spent as much quality time as we can. Yung mga bagay na binalewala na namin, nabigyan ulit namin ng halaga. Nakakalungkot na wala sila, pero di mabigat sa loob dahil walang "what ifs" at "sana".
Di pa huling magsimula ulit. Ano'ng kwento mo?
Di pa huling magsimula ulit. Ano'ng kwento mo?